Saturday, June 26, 2010

MySpace Graphics
Pink Eye Graphics & Pink Pictures

Ako yung tipo nang tao na laging inaasahan ng lahat na may sagot sa lahat ng maisip nilang itanong. OO! Bookworm ako, mahilig magbasa ng libro, mahilig maghanap ng trivia sa net at kung anu anu pang kaalaman. Knowledge is power, naniwala ako kay Ernie baron (sumalangit nawa) nung sinabi nya yan. I proved it to be very true and very useful. para akong computer, pwede mong iprogram ang gusto mong ipagawa sa akin, as long as hindi yan math, siguradong pulido ang pagkagawa ko diyan may mga extras pa na mas magpapaganda sa buong project. Magyayabang na ako kasi totoo naman tsaka blog ko naman ito; totoong MATALINO AKO! Kahit nung bata pa ako, lagi akong teacher's pet, hindi dahil sip sip ako kundi dahil naaliw sila sa katalinuhan ko, effortless. Maasahan ako ng teacher ko na magrecite sa bawat lesson (except math) lalo na kung lahat ng classmate ko nag give up na na itry sagutin yung mga tanong nya. Pag nageexam noong nagaaral pa ako, hindi ako nagrereview, kung ano lang ang naintindihan ko na tinuro ng teacher yun na yun. Hindi rin ako nag nonotes kasi istorbo lang yan sa pakikinig ko sa teacher ko. Hindi ako nahirapan mag-aral ever, yun ang bagay na pinakagusto kong gawin sa buhay ko. I love learning things and I never get tired of it.

Pag may nanghihingi sa akin ng advice tungkol sa kahit anong bagay, hindi ko kailangan isipin kung ano ang ibibigay ko, kinekwento pa lang nya yan, naiisip ko na isasagot, natapos ko na nga yung kwento nya sa utak ko eh. I am not trying to do this, normal sa akin ito. Wala akong magagawa kung ayaw mo maniwala pero ganyan talaga ako, may sa manghuhula; nahuhulaan ko na ang kakalabasan ng bagay ayon sa mga naikwento at naobserbahan ko na. Hindi ko na kasalanan na kaya icorrelate ng utak ko ang previous experiences ko, ng ibang tao, ng present circumstances, statistical data, para mag predict ng mga magiging outcome ng mga bagay bagay. It comes naturally...for me.

Dati, hindi ko alam na hindi pala lahat ng tao kasing talino ko, ang alam ko dati, ang nagagawa ko, nagagawa din ng ibang tao, kasi halos nakakasabay naman sila sa akin eh. Ang ipinagkaiba pala nila sa akin; sagad na nila yun, sa akin, normal lang, kaya ko pang mag effort para sa full effect, sila, wala na maibubuga pa, kahit anong pilit hanggang dun na lang. Even I don't know how far can i go, cause i never needed to, normal na bagay pa lang na ginagawa ko, nahihirapan na sila pantayan. Praktikal ako, hindi ko papagurin ang sarili ko para lang sukatin kung hanggang saan ako. Kung eeffort man ako gusto ko yung may silbi, hindi para manukat lang, corny yun. I never needed to push my self to impress anybody, cause they already are and i do it without even batting an eyelash.

I have great people skills. Mabulaklak daw ang aking dila sabi ng nanay ko. I have a sweet tongue. Malakas ang convincing powers ko. pag nakikipagusap ako sa tao, I don't swoon them with looks, i swoon them with personality and verbiage. Magaling ako makipagrelate sa kahit sino. Para akong tubig, kahit san mo ilagay i take up the shape of my container. Don't get me wrong, hindi ako plastik na tao, nagkataon lang na alam ko kung papaano i-rub ang different people the right way. I am a people pleaser; kahit sino naaaliw kausap ako and I mean kahit sino and again, I do it normally, I do not do it on purpose. I love learnig kaya para sa akin ang pakikipagusap sa kahit na sinong tao ay form of educating myself and i believe it makes me grow; I hope I help them grow too.

Ang mahirap sa pagiging matalino, know-it-all, walking encyclopedia ay pag ako na ang nahihirapan. Hindi ako magaling sa math, sumpa sa buhay ko yan eh. Pinagtatawanan nila ko pag nalalaman nilang di ako magaling jan. Pag ako na yung may problema, wala nang makatulong, hindi dahil ayaw nila; sadyang di lang talaga nila kaya. Hindi nila maibigay ang uri ng sagot na nais ko, mas malalim sa ibinibigay nila, katulad ng binibigay ko sa kanila pag kailangan nila ng tulong, kaso mahirap maghanap ng katulad ko, may 2 pa lang ako nakilala at naging kaibigan ko sila.

Maraming tao ang feel na feel na umasa sa akin kasi magaling daw ako (sa lahat! ahihihi!). Feel na feel nila na sa akin itanong lahat, ikonsulta lahat. Strong din ang personality ko kaya lagi din sila sumasandal sa akin for emotional support. Minsan kinocorrect ko sila na hindi ako strong sadyang kaunti lang ang emotions ko. i am very logical and analytic kaya hindi masayadong nagmamatter sa akin ang feelings, they're crappy anyways (bitter). Pero minsan may mga pagkakataon pa din naman na ako ang nangangailangan ng suporta. Paano pag ako na ang kailangan umasa? Paano pag ako naman ang gustong sumandal? Paano kung dumating ang panahon na tumulo din ang luha ko? Pwede kaya ako umasa? Sumandal? Umiyak? Sa kanila? Minsan kasi nanghihina din ako eh.

" The problem with you being smarter and stronger is because everybody seems dumber and weaker"

No comments:

Post a Comment