Masyado akong mapili sa mga bagay na binibigyan ko ng pansin. Praktikal akong tao, kung walang silbi ang isang bagay/tao sa akin, wala akong pakialam, kahit gulungan pa yan ng trak! Ito ang dahilan kung bakit parang hindi yata ako marunong magmahal; akala ko alam ko na yang salitang yan pero, uhm, hindi pa pala. Madalas akong magka-crush sa kung sino sino na lang, pakitaan lang ako ng konting bait, konting ngiti, pag pogi, pag maganda katawan, pag matalino, pag mayaman; ayun crush ko na, at heto pa, pwedeng isa lang sa mga yan ang meron siya, pag all of the above, e 'di mas winner. Seryoso, kahit sino na mapalapit sakin na lalaki, at one point nagkacrush ako, vulnerable ako sa ganyan eh, akala ko nga lagi, naiinlab na ko, yun pala hindi pa. I'm still far from experiencing that wonderful feeling. Don't get me wrong, hindi naman ako anti-love. Hindi pa lang siguro dumarating yung panahon na mararamdaman ko yun. There was this one time, nagkacrush ako sa kaopis ko na itago na lang natin sa initials na JG. Super bait ng taong ito, super cute, super tangkad, lahat na yata ng super nasa kanya na. Meron lang dalawang problema sa taong ito, una, medyo mayabang; at pangalawa, medyo walang modo. Natitiis ko naman yung mga flaws niya eh, akala ko talaga minahal ko na siya, kasi halos iyakan ko na yun, well, di ko na nga matandaan, pero parang iniyakan ko na yun eh, kasi hindi naman niya ako gusto. Matagal din ako nagpakabaliw sa kanya, mga mag iisang buwan din yun. On the third week of my being love-drunk, ayun, nakilala ko si L, ang bago kong mahal. Parang bagyo lang yung akala kong pagmamahal ko kay JG, dumating na malakas na ulan at hangin tapos bigla na lang huminto, hindi man lang ako umabot sa puntong umambon muna bago tumigil. Tulad din ng isang bagyo, lumipat sa ibang lugar ang wetness ko, napunta kay L. Cute si L, chinito, inchik; tunay na inchik, may chinese name pa nga siya eh. Mabait din si L, mas mabait kay JG, mas galante kay JG, mas may finesse kay JG. I thought the change of heart was caused by his better attributes, per as usual, mali na naman ako. Dumating si R...alam mo na yun, lumipat ang mata ko sa kanya, he's not even at par with JG pero muka siyang masarap sa kama. lahat sila may expiry date ang pagkacrush ko; isang buwan, hanggang ngayon ganyan ako, lahat ng nagugustuhan ko at "minamahal" ko isang buwan lang, nagwiwither na yung feelings. Ewan ko kung bakit, ang sigurado ko wala sa kanila yung problema, nasa akin. Pwede akong humanap ng isang libo't sang dahilan para sisihin sila sa pagkawala ng feelings ko pero alam ko sa sarili ko na nasa akin ang problema. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ngunit nakakasiguro ako na masaya ako sa ganito, walang hang-ups, walang sakit, wala naman siguro akong nasasaktan. No one can convince me that i can have someone fall that hard in a month, cynic na kung cynic pero sa alam ko walang ganun kasi ako hindi. Sabi ng isa kong friend na psychologist baka daw ito ay sanhi ng subconscious mind ko na umiwas sa sakit dahil baka subconsciously takot akong masaktan at magmahal. Siyempre bilang isang dakilang call center agent, may rebuttal ako:
"I just don't think I met the one that will make me fall long enough, deep enough, for more than a month"
Siguro sa susunod dalawang buwan naman diba? ;)
No comments:
Post a Comment